1,207

By

Magkapatid na Ildefonso, binuhat ang NU kontra UST

Sharing is caring!

Sumandal sa magkapatid na Dave at Shaun Ildefonso ang National University Bulldogs upang mapigilan ang University of Santo Tomas Growling Tigers, 75-70, sa UAAP Season 81 men’s basketball opener sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Lamang ang NU pagkatapos ng tatlong quarter, 54-37, upang naibaba nina CJ Cansino at Renzo Subido ang kalamangan sa apat, 68-72.

Pinigil ni John Lloyd Clemente ang run ng Growling Tigers upang maiuwi ang panalo, 75-70.

“We played really good in the 3rd quarter and all of a sudden, we didn’t play selflessly in the 4th quarter,” ani NU head coach Jamike Jarin.

Pinangunahan ng magkapatid na Ildefonso ang Bulldogs na gumawa ng 29 points.

Ang rookie na si CJ Cansino naman ang namuno sa UST na gumawa ng 20 puntos at 10 rebound.

Sunod na makakalaban ng NU ang University of the East Red Warriors sa Linggo, Setyembre 16, sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?