53

By ,

Magkapatid na de Chaves, bumandera sa Valenzuela

Dumagundong ang buong Valenzuela Astrodome nang sikwatin ng Valenzuela Classics ang 93-80 panalo kontra Pasay Voyagers sa Maharlika Pilipinas Basktetball League Datu Cup, Miyerkoles ng gabi.

Ibinandera ng Valenzuela ang magkapatid na Chris at Carlo de Chavez at umayuda rin ang maangas na laro ni Floyd Dedicatoria para tulungan ang tropa sikwatin ang 8-13 baraha sa Northern Division.

Pumoste ng 22 puntos, sa likod ng anim na tres, si Chris at may 15 puntos si Carlo habang ang 6-foot-4 forward na si Dedictoria ay umambag naman 19 na puntos at walong rebounds.

Dinomina rin ng tropa ang paint nang rumehistro ito ng 50 puntos mula rito, 22 puntos na mas marami kontra Pasay.

Samantala, ito naman ang ika-15 na talo ng Pasay sa 22 asignatura at patuloy ang paglubog nito sa team standing sa parehong division.

Sa unang laro naman, muling pinoste ng Davao Occidental Tigers ang kanilang winning-form ng sikwatin ang panalo kontra Paranaque Patriots, 92-82.

Sa unang canto pa lang ay nilapa na agad ng Tigers ang 20-11 na kalamangan at hindi na muling lumingon at sinapo na ang panalo.

Nanguna para sa Davao si Mark Yee ng i-dribol nito ang double-double finish na may 17 puntos at 13 rebounds habang umayuda naman ng 14 puntos si James Regalado at 12 puntos naman ang kay Bogs Raymundo.

Nanatiling nasa top spot ng Southern division ang Davao bitbit ang 17-4 kartada habang dulas naman sa 10th spot ng parehong division ang Paranaque hawak ang 8-13 baraha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?