59

Jul 3, 2020 @ 15:05
By

Magkapatid kumain ng squirrel, sapul ng bubonic plague

Nahawa sa nakamamatay na bubonic plague ang lalaking magkapatid matapos kumain ng marmot o malaking squirrel.

Ginagamot ngayon sina Pansoch Buyainbat, 27, at kapatid niyang 17 anyos sa hiwalay na ospital sa Khovd province, Mongolia–isang bansa na naniniwalang mabuti sa kalusugan ang pagkain ng
lamang-loob ng mga hayop.

Nasa kritikal na kondisyon umano si Pansoch.

Dahil sa insidente, agad hinanap ng awtoridad ang 146 katao na nakasalamuha ng magkapatid.

Pero paniwala ng mga health official, ayon sa mga ulat, nasa 500 indibidwal na ang posibleng apektado.

Kayang patayin ng bacterial infection ang isang adult sa loob lang ng 24 oras kung hindi agad nagamot, ayon sa World Health Organisation.

Kinumpirma naman ng Mongolian National Centre for Zoonotic Diseases na na-diagnose nga ang dalawa sa bubonic plague. Magsasagawa na anila sila ng emergency meetings.

Matatandaang noong 14th century, halos 200 milyong katao ang pinatay ng Black Death o bubonic plague.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?