992

Apr 8, 2021 @ 14:02
By

Magkapatid kinasal? Manugang, nawawalang anak pala ni biyenan

Papasa sa ‘Maalala Mo Kaya’ ang kuwento ng isang pamilya kung saan ang napakasalan pala ng anak na lalaki ng isang ginang ay ang nawawala din nitong anak, 20 taon na ang nakalilipas.

Sa report ng Sohu News, napaulat ang nangyaring kasalan sa Suzhou, Jiangsu province kung saan nagulat ang isang ina nang makita ang birthmark sa kamay ng bride.

Parehas kasi ito sa naging palatandaan nila sa kanilang nawawalang anak, kaya naman naitanong sa bride kung ampon ba ito.

Dito na nakumpirma ng biyenan na anak nga niya ang papakasalan ng kanyang anak na lalaki.

Natuloy pa rin ang kasal, matapos mabunyag na inampon lang din pala ng ginang ang kanilang anak na lalaki at hindi sila magkadugo.

Sa ilang larawan na pinost sa social media, makikita ang pagyayakapan ng mag-ina habang umiiyak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?