45

By

Magkaibigang kabayo at gansa nakahanap na ng bagong tahanan

Nakahanap na rin ng ‘forever home’ ang mag-best friend na sina Waffles, ang 6 na taong gulang na maliit na kabayo, at ang gansang si Hemingway sa isang bukid sa Montgomery County, Pennsylvania.

Nag-viral ang kwento ng hindi mapaghiwalay na mga alagang hayop nitong simula ng buwan ng Setyembre, matapos sabihin ng isang Pennsylvania shelter na sila ay kailangan ampuning magkasama.

Na-reskyu ang mga ito ng isang babaeng nagngangalang Maddie.

Sinabi ni Maddie sa CTV News Channel na magandang adisyon ang dalawa sa kanilang farm kaya naman nagbakasakali siya para ampunin ang pares, “We loved that they have such a neat, unique friendship. That was a really, really cool thing to us. And we also had heard that Waffles was little bit feisty and spirited, and I really like feisty and spirited, so I thought he’d be a great fit here.”

Ayon kay Linda Reider, executive director ng Bucks County SPCA sa Lahaska, Pennsylvania, bihirang mangyayari ang ganitong ugnayan sa dalawang magkaibang uri ng hayop.

“We see interspecies friendships from time to time, but they’re rare. I’ve been in this work 35 years and I’ve not seen a horse-goose best-friend pair,” sabi ni Reider sa CTV News Channel.

Ayon sa mga ulat sa media, nakatanggap ang shelter ng mahigit 150 na aplikasyon para sa pares, ngunit napili nila si Maddie dahil sa kanyang closeness, sariling tirahan na maaaring maging kanlungan ng mga alagang hayop at sapat na resources sa pag-aalaga ng malalaking hayop.

Sinabi ni Maddie na maayos naman na nanatili ang dalawa sa bagong tahanan at nananatiling hindi mapaghiwalay.

View this post on Instagram

Ahh, a morning swim #wafflesandhemingway

A post shared by Good Enough Farmette (@goodenoughfarm) on

View this post on Instagram

Like my new ‘do?

A post shared by Good Enough Farmette (@goodenoughfarm) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?