34

Dec 19, 2017 @ 16:16
By

Magkaibigan kulong sa pagnanakaw ng cap

Kalaboso ang dalawang lalaki matapos magnakaw ng varsity cap na nagkakahalaga ng P269 at mahulihan ng patalim sa Tondo, Manila.

Nakilala ang magkaibigan na suspek na sina Elison Pineda, 19 at Carl Joshua Mendoza, 18.

Ayon kay PO2 Jaime Espejo III, naka-duty ang cashier ng mall na si Kriszhia Adriano nang mapansin nito na isinilid ng dalawa ang sumbrero sa dala nilang paper bag.

Nang naitawag na sa roving guard ang insidente, agad na nakatkbo ang mga suspek pero bigo silang makatakas dahil nahabol naman sila ng guwardya.

Narekober sa dalawa ang ninakaw na sumbrero at bilang bahagi ng standard operating procedure ay kinapakapan ang mga ito. Dito na nakuha mula Pineda ang patalim na may habang walong pulgada.

Mahaharap sa kasong theft ang dalawa habang dagdag na kasong paglabag sa BP 6 o illegal possession of bladed weapon naman ang sasampa kay Pineda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?