33

Jul 29, 2021 @ 21:19
By

Magkaibang brand ng bakuna naiturok sa Davao, Mandaluyong iimbestigahan

Iimbestigahan ng Department of Health (DOH) ang diumano’y insidente kung saan naturukan ng magkaibang vaccine brand sa una at pangalawang dose ang ilang residente sa Davao at Mandaluyong.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa nakuha nilang inisyal na impormasyon, tila may pagkakamali ang nagbakunang healthcare worker.

“Based on our initial information na naibigay sa atin, mukhang talagang error ng healthcare worker and ito naman po ay hindi naman nila tinago. Sabi nila they mistook the other vaccine for that vaccine na kailangan dapat iturok,” lahad ni Vergeire sa briefing.

Sabi ni Vergeire, naglabas na ng abiso sa mga vaccination site kung saan dapat isang brand lamang ng bakuna ang iturok ng mga ito.

Batay sa ulat, dalawang indibiduwal sa Davao region ang naturukan ng magkaibang vaccine brand.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang DOH sa ulat tungkol sa vaccine mixing sa Mandaluyong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?