9

Aug 1, 2020 @ 12:56
By

Magkaangkas sa motorsiklo na walang barrier hinuhuli na

Sinimulan na ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang panghuhuli sa mga magkaangkas sa motorsiklo na walang protective barrier.

“Naka-ready na po ang ating mga tauhan upang hulihin ang mga magka-angkas sa motorsiklo na walang barriers,” wika ni PNP-HPG director Police Brigadier General Eliseo Cruz sa DZBB, Agosto 1.

Tiniketan na ang ilang motorcycle rider sa Commonwealth Avenue sa Quezon City na walang barrier.

Gayundin, sinita ang mga magkaangkas na napag-alamang hindi kasal o live-in partner.

“Kapag hindi maganda ang materyales na ginamit sa barrier ay ipagbabawal din natin ito,” ayon pa kay Cruz, sa ulat.

Matatandaang ang inapruba ng awtoridad na disenyo ng barrier ay ang gawa ng Bohol local government at Angkas na backpack type.

Ang mga naturang disenyo, sabi ni Cruz, ay makapagtitiyak ng kaligtasan ng mga motorcycle rider.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?