36

Nov 22, 2021 @ 14:50
By

Magkaalaman na! Lacson, Sotto salang sa drug test

Nagtungo sa headquarters ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Lunes si presidential aspirant Sen. Panfilo Lacson at vice presidential running mate niyang si Senate President Vicente Sotto III upang magpa-drug test.

“Magkaalaman na kung sino matatapang,” pahayag ni Sotto.

“What we underwent was not the ordinary testing. PDEA uses a multidrug testing kit. It can check all types of illegal drugs encompassing holistic drug test,” dagdag pa niya.

“Ordinary testing only checks marijuana and shabu,” patuloy niya.

Nagpa-drug test sina Lacson at Sotto ilang araw matapos ibunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isang presidential aspirant na gumagamit ng cocaine. Hindi naman niya pinangalanan ang presidential candidate.

Nauna nang sinabi ni Lacson, tumatakbo sa ilalim ng Partido Reporma, na hindi siya ang pinatutungkulan ni Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?