836

Dec 8, 2021 @ 20:21
By

Magka-akbay as a friend? Paolo, Yen sa mall naman nag-date

Nagkagulo na naman ang mga ka-Marites at ka-Mosang nang muling namataang magkasama sa isang mall ang nali-link na sina Paolo Contis at Yen Santos.

Marami na ang napatanong kung as a friend pa nga rin ba ang date ng dalawa.

Isang netizen ang nakakita sa dalawa na kumakain sa isang sikat na restuarant sa Makati.

Habang sa isa pang larawan ay makikitang naka-akbay pa si Yen kay Paolo habang naglalakad ang dalawa sa loob ng mall.

Tila unti-unti na pinapaalam ng dalawa sa publiko na may namumuong relasyon na sa pagitan nila.

Matatandaang kumalat ang paratang na si Yen ang naging dahilan ng hiwalayan nila Paolo at LJ Reyes nang makita ang dalawa na magkasama sa Baguio.

Una nang itinanggi ni Paolo na si Yen ang kasama nito, ngunit kalaunan ay sinabi rin nitong namasyal sila “as a friend” lang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?