12

Mar 5, 2021 @ 19:58
By

Magjowa nag-away dahil sa cellphone, 1 todas

Utas ang isang bebot matapos pagsasaksakin ng kanyang nobyo dahil sa away umano sa cellphone.

Kinilala ang suspek na si Rodolfo Bacyano at ang biktima na si Aileen Yama.

Ayon sa saksi, mainit umano ang pagtatalo ng dalawa na naging dahilan para pagsasaksakin ni Bacyano si Yama.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, lasing din ang lalaki ng mag-away sila.

Kasalukiuyang nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek matapos nitong sumuko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?