260

Dec 31, 2017 @ 14:40
By

Maging positibo, may pagbabago sa 2018 – CBCP

Maging kumpiyansa na may mga pagbabago at reporma na mangyayari.

Ito ang payo ng Simbahang Katoliko sa mga Filipino ngayon 2018.

Sinabi ni Fr. Jerome Secillano, ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na dapat din mas malaman ng mamamayan ang mga isyu sa lipunan na nakakaapekto sa bansa.

Kasabay naman nito ang pagiging positibo na mas magiging maganda ang kanilang buhay ngayon 2018.

Hinihikayat din ng Simbahan ang lahat na magkaroon ng mas magandang pananaw sa buhay. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?