99
abante-tnt-vismin-miro-quimbo
Jul 29, 2018 @ 13:28
By

Magiging minorya sa Kamara, call ni Speaker Arroyo – Quimbo

Nakadepende umano kay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kung sino ang kikilalaning minorya sa Kamara.

Sinabi ito ni Marikina Rep. Miro Quimbo sa gitna nang agawan sa pagiging minority bloc sa mababang kapulungan.

“Umaasa kami na at the end of the day, it’s going to be the Speaker’s call,” ani Quimbo.

“Kahit ano pang gawin namin diyan, kung sino ang gustong kilalanin ng Speaker, ‘yun ang mananaig,” dagdag ng kongresista.

Nauna nang idineklara ng mga miyembro ng Liberal Party na sila ang bagong “duly constituted” minority bloc sa Kamara dahil hindi sila bumoto sa speakership ni Arroyo. Si Quimbo ang napiling minority leader ng grupo.

Base sa rules, ang mga hindi bumoto sa nanalong kandidato sa pagiging speaker ang otomatikong bubuo sa minority group.

Pero iginigiit ni Quezon Rep. Danilo Suarez, na mananatili siyang lider ng minorya hanggang sa matapos ang 17th Congress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?