7

Oct 28, 2020 @ 15:20
By

Magic may World Series ring na rin

TUWANG-TUWA ang isa sa mga Hall of Famer at NBA great na si Earvin ‘Magic’ Johnson dahil sa dami ng titulo at korona na dulot sa kanya ng mga pinamamahalaang koponan sa iba’t ibang malalaking torneo sa Tate.

“I know God is sooooooooo good because now I have a World Series ring, 10 Lakers NBA Championship Rings (5 as a player and 5 as an owner), and a WNBA Championship Ring as owner of the LA Sparks!,” sabi nito sa kanyang Twitter account na @MagicJohnson.

Ito ay matapos na magwagi ang Los Angeles Dodgers kontra Tampa Bay Rays, 3-1, sa Game 6 upang iuwi ang unang World Series trophy matapos na huling magwagi noong 1988.

Magkasunod naman na nagwagi ng korona ang LA Sparks at Lakers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?