22

Jun 12, 2020 @ 20:32

Magic may pa-‘The Last Dance’ rin

Matapos ang matagumpay na documentary series ni Michael Jordan na ‘The Last Dance’, bibida naman ngayon sa isang film documentary si Los Angeles Lakers great Earvin ‘Magic’ Johnson.

Ayon sa Variety kahapon, pinagkalooban ng ‘unprecedented access ang XTR, H.wood Media, NSV at Delirio Films para sa documentary ng five-time NBA champion.

“The film will also rely on archival footage of Johnson, as well as interviews with the superstar, his family, fellow NBA players and business leaders,” dagdag ngVariety.

Nagbagahe rin si Johnson ng tatlong MVP, 12 All Star Games at isang Olympic gold medal sa kanyang playing career bago nagretiro noong 2000.

Sa kanyang retirement, naging isang matagumpay ring businessman si Johnson. Inaasahang ipapalabas ang documentary series sa susunod na taon. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?