234
views
lebron-james
By

Magic kumonsulta kay LeBron sa recruitment

Sharing is caring!

Hindi pa halos nag-iinit sa Los Angeles si LeBron James, may ‘say’ na agad siya sa team.

Kinumpirma ni Lakers president of basketball operations Magic Johnson na malaki ang naging papel ni James sa roster moves ng team.

Ilan sa mga hinugot ng Lakers para dalhin sa LA na makakasama ni James sina Rajon Rondo, Lance Stephenson at JaVale McGee.

Hindi lingid na nagkakapikunan noon sina James at Stephenson lalo nang magtagpo sa playoffs ang Cleveland Cavaliers at Indiana Pacers. Hindi rin magkadikit sina James at McGee.

“LeBron’s won championships, been to eight straight Finals,” ani Johnson kay Mike Bresnahan ng L.A. SportsNet. “You think (general manager) Rob (Pelinka) and I are not going to ask him? No, we’re going to definitely ask him his opinion because he knows those players better than us.”

Ibinunyag na rin ni Johnson na sa sobrang excitement niya na makausap si LeBron, isang oras pa siyang nanatili sa loob ng kanyang sasakyan habang hinihintay ang 9:01 p.m. Pacific Time noong June 30 sa pormal na pagsisimula ng free agency. Naka-iskedyul na ang one-on-one meeting nila, pero napaaga si Magic.

Umaasa sina Magic at Pelinka na sa championship pedigree ni LeBron ay muling magiging palaban ang Lakers.

May 16 championship banners na ang Lakers, pero hindi na umabot sa playoffs sapul noong 2012-13 season, nagretiro na rin si Kobe Bryant noong 2016.

May tatlong championship rings si LeBron – dalawa sa Miami at isa sa Cleveland.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?