7

Sep 17, 2020 @ 16:06
By

Magic Johnson: Lakers lang malakas sa LA!

Pinatamaan ni Los Angeles Lakers legend Magic Johnson ang LA Clippers matapos malalag ang nasabing koponan sa West semifinals kontra Denver Nuggets, 89-104.

Sa tweet ng NBA Hall of Famer, sinabi nito na tanging Lakers lang ang nagmamay-ari sa Los Angeles at wala nang iba.

 

Sinopla din nito si Clippers head coach Doc Rivers, na binalikan ang dati ring pagkatalo ng veteran mentor sa Houston Rockets noong 2015 kung saan angat din sila ng 3-1 sa serye.

Dahil sa pagkatalo ng Clippers ay napurnada ang inaabangan ng mga NBA fan na ‘Battle of LA’, kung saan dati nang pinag-uusapan matapos bumuo ang koponan ng All-Star duo nina Kawhi Leonard at Paul George.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?