288

Nov 3, 2018 @ 10:48
By

Magic Johnson inis sa mga talo ng LA, Luke Walton napagdiskitahan?

Hindi umano natuwa si Magic Johnson sa naging performance ng Los Angeles Lakers kaya’t napagilitan na si head coach Luke Walton.

Ayon sa report ng ESPN, naging agresibo ang LA president of basketball operations na si Johnson sa kanyang naging meeting kay Walton matapos nitong simulan ang season sa 3-5 win-loss record.

Halos bago ang roster ng Lakers, na karamihan ng natira ay mga bagito sa NBA katulad nina Liangelo Ball, Kyle Kuzma at Brandon Ingram, na inaasahang pamumunuan ni four-time NBA MVP na si LeBron James.

Nilinaw naman ni Walton na sa kanyang tingin ay ayos naman ang kanyang relasyon sa management ng Lakers.

“I feel like I have a great relationship with management, yes,” pakli nI Walton, na dati ring naglaro sa Lakers bago pinasok ang pagtitimon.

“I feel like I’m coming down here to do my job and coach.” dagdag pa niya.

Hindi naman idinetalye ni Walton kung ano ang napag-usapan sa meeting, ngunit kumpiyansa siyang magiging maayos ang performance ng kanyang koponan sa mga susunod na laban.

“We know where we’re going, we know how to get there, and it takes time and it takes hard work. Right now, our guys work extremely hard. We’ve had a couple setbacks with some suspensions, but we’ve played some good teams and we’ve had a chance to win a lot of those games.”

“We plan on winning those in the future, and we’re going to keep working and getting better and we’re going to be just fine,” pakli ng Lakers head coach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?