354

Oct 22, 2021 @ 17:23
By

‘Magic 12’ ni VP Leni kumpleto na

Kumpleto na ang Senate slate ni Vice President Leni Robredo.

Pinangalanan ang abogado at labor leader na si Sonny Matula bilang ika-12 senatoriable niya sa Eleksiyon 2022.

“Ikinagagalak ko ngayong ihayag: Isinusulong ko para sa Senado si Attorney Sonny Matula ng Labor Party Philippines,” lahad ni Robredo sa isang video message.

“Malinaw ang track record ni Attorney Sonny sa paglaban para sa karapatan ng mga manggagawang Pilipino. Humarap siya sa mga malalaking korporasyon, na ang tanging sandata ay paninindigan at husay sa abogasya,” dagdag niya.

“Isinusulong niya ang karapatan ng mga manggagawa—isang adbokasiya na matagal na rin nating ipinaglalaban bago pa man ako pumasok sa politika.” (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?