106
Maghula sa NBA All-Star, manalo ng limited edition Spalding ball
Feb 15, 2019 @ 19:31
By

Maghula sa NBA All-Star, manalo ng limited edition Spalding ball

Gamitin ang inyong ‘Madam Auring’ vibes at maki-join sa panghuhula para sa tsansang manalo ng Limited Edition Spalding NBA All Star Classic Charlotte Commemorative Balls.

I-like lang ang Spalding Philippines Facebook page at hulaan ang total score sa pagitan ng Team LeBron at Team Giannis sa NBA All-Star 2019 na gaganapin sa Lunes, February 18 (Manila time).

Ang mga comment na hanggang alas-sais ng umaga lang ng February 18 ang magqu-qualify sa nasabing pa-contest.

Kung sino ang dalawa na makakalapit ng sagot ay siyang mananalo ng nasabing collector’s item.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?