100

Feb 6, 2020 @ 10:48
By

Maghanap ng kayakap panabla sa lamig – PAGASA

“Bakit may atake?” – ang usisa ng mga “nabastusang” netizen matapos ipayo ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) na maghanap ng ka-cuddle, lalo na sa Valentine’s Day.

Minungkahi rin ng Pagasa sa mga lamiging Pinoy na dagdagan ang kapal ng kumot at ihanda ang mga jacket, dahil hanggang ikatlong linggo ng Pebrero 2020 inaasahan ang malamig na panahon sa Luzon, dulot ng Amihan sa buong bansa.

Meron ding binabantayang isang low pressure ang ahensiya, sabi nito noong Pebrero 4, pero mababa umano ang tiyansang maging bagyo at hindi ito inaasahang magpapaulan.

Samu’t saring reaksiyon ang natamo ng mungkahi ng Pagasa: may mga naghanap na ng cuddle buddy, mga naatake, at meron ding mga nagtaka dahil nirekomenda anila ng Department of Health (DOH) na umiwas muna sa physical contact at matataong lugar sa banta ng pagkalat ng novel coronavirus (2019-nCoV).

“Kala ko avoid physical contact due to corona virus,” sabi ni Facebook netizen Mary Joy.

“Sana oil my human blanket 😂,” wika ni Ophalyn Operario.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?