1,049

Sep 27, 2021 @ 20:05
By

Maggie Wilson hiwalay na sa mayamang mister

Hiwalay na ang beauty queen na si Maggie Wilson sa mayamang negosyanteng si Victor Consunji.

Inanunsyo ito ni Maggie sa kanyang Instagram post ngayong Lunes.

“We want you to hear it from us directly. Vic and I have made the difficult decision a while back to separate,” panimula ni Maggie.

Sa kabila nito ay mahal at suportado pa rin daw nila ang isa’t isa.

“It’s been challenging to say the least, but we want you to know that there is no animosity between us. We will always love and support each other no matter what.”

Mananatili raw silang pamilya, magkaibigan at partners para sa nag-iisang anak na si Connor.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

 

A post shared by Maggie Wilson (@wilsonmaggie)

Pamilya ni Consunji ang nagpapatakbo ng construction at mining company na DMCI habang Binibining Pilipinas World 2007 winner si Maggie.

Noong nakaraang taon nag-celebrate sila ng 10th year anniversary bilang mag-asawa sa Maldives.

Ikinasal sila noong 2010 at biniyayaan ng anak na lalaki noong 2012.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?