videoke

Magdamagang videoke, nakakabulahaw na ingay kakalusin na

Sharing is caring!

Nagsimula nang talakayin ng House of Representatives Committee on Public Order and Safety ang panukala hinggil sa paglilimita sa paggamit ng videoke at iba pang ingay na nakakabulahaw sa kapitbahay sa buong bansa.

Layon ng panukala na iminungkahi ni Quezon 4th District Rep. Angelina Tan, na pigilan ang mga gulo o abala na hatid nito sa residential areas.

Sa ilalim ng House Bill No. 1035 o “An Act Prohibiting the use of Videoke/Karaoke systems and Other Sound Amplifying Equipment that Cause Unnecessary Disturbance to the Public within the Residential Areas, and Providing Penalties Therefore”, kasama sa mga gamit na lilimitahan ang radyo, CD players, TV, amplified musical instruments, at loudspeakers.

Bawal umano na mag-videoke mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-siyete ng umaga.

Pagmumultahin ng P1,000 o pagkakulong ng hindi tataas sa anim na buwan ang lalabag dito.

Damay din sa ipagbabawal ang ingay ng mga nagsu-Zumba.

Si Pangulong Rodrigo Duterte na mahilig na kumanta ay noon pa tutol sa magdamagang pagbi-videoke.

“Noise pollution can be abated anytime because it is a nuisance. The kapitan or the mayor or governor and the police can stop it immediately,” sabi ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?