25

Apr 18, 2020 @ 13:21
By

Magdalo tumulong sa mga apektado ng COVID-19

Nagsagawa ng relief operations ang Magdalo party-list para sa mga residente ng ilang lugar sa Luzon na apektado ng COVID-19 pandemic.

Sa video na binahagi ni dating Senador Antonio Trillanes IV, namahagi ng relief packs ang Magdalo para sa mga kababayan sa Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan at Baguio.

Nagpasalamat naman ang grupo kina Magdalo Rep. Manuel Cabochan at Trillanes para sa nasabing relief ops.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?