26

Nov 19, 2021 @ 15:25
By

Magdalo sa gobyerno: Galaw-galaw vs China

Nanawagan si Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan III sa gobyerno na maging agresibo sa pagbibigay ng proteksyon sa teritoryo ng bansa na kinakamkam ng China.

Sinabi ni Cabochan na masyadong halata ang intensyon ng China na paalisin ang mga Pilipino sa ating teritoryo sa West Philippine Sea at hindi ito dapat na hayaan ng gobyerno na mangyari.

“Makailang beses na tayong ginaganito ng China na kaibigan daw natin kuno. Hanggang kailan natin tatanggapin ang ganitong pagtrato sa loob mismo ng ating teritoryo?” tanong ni Cabochan.

Malinaw umano na iligal ang ginawa ng Chinese Coast Guard nang harangin nito at bugahan ng tubig ang dalawang bangka ng Pilipinas na magdadala ng suppy sa Ayungin Shoal.

Iginiit ni Cabochan na ang Ayungin Shoal ay bahagi ng Exclusive Economic Zone at Continental Shelf ng Pilipinas. Ang China umano ang dapat na wala sa lugar na ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?