156

By

Magdalo Rep. Alejano tatakbo sa Senado

Sharing is caring!

Sasabak sa pagka-senador ang Magdalo party-list Representative Gary Alejano para sa parating na 2019 midterm elections.

Inihayag niya ang balak noong Martes sa harap ng media sa Kamara, at sinabing kanyang ihahain ang certificate of candidacy sa Lunes ng susunod na linggo, Oktubre 15.

“Definitely. 100 percent. Tutuloy akong mag-file (ng candidacy) next Monday, October 15,” said Alejano.

Sasamahan ni Alejano ang mga senatorial bet ng Liberal Party coalition, na malaki ang tsansang sina re-electionist Sen. Paolo Benigno ‘Bam’ Aquino IV, De La Salle University College of Law Dean Jose Manuel ‘Chel’ Diokno, dating QC congressman Lorenzo ‘Erin’ Tañada III, election lawyer Romulo Macalintal, at dating Bangsamoro Transition Commission member Samira Gutoc.

Matatandaan na kasama si Alejano sa naging kudeta at rebelyon na pinangasiwaan ni Senador Antonio Trillanes IV, noong 2003 Oakwood mutiny at 2007 Manila Peninsula siege.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?