168

May 11, 2021 @ 18:18
By

Magdalo: Mga Pinoy nagoyo ni Duterte

Hindi “stupid” ang mga Pilipino kundi sila ay naloko ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pangakong magje-jet ski patungong Spratlys at maglalagay doon ng watawat ng Pilipinas upang maipakitang pag-aari ito ng bansa, ayon kay Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan.

Kagabi, Mayo 10, sinabi ng Pangulo na “pure campaign joke” lang ang pangako niyang magje-jet ski patungong Spratlys at tinawag na “stupid” ang mga naniwala sa kanyang sinabi noong 2016 campaign.

“The Filipino people are not stupid. The 16M who voted for Duterte were deceived big time,” lahad ni Cabochan.

“Duterte intentionally lied to the people. He betrayed their trust. So please do not insult them by calling them stupid. Magaling lang manloko ng tao si Duterte,” dagdag niya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?