67

By

Magbati na kayo – Sara kina Jinggoy, JV

Sharing is caring!

Kahit anong mangyari, magkapatid pa rin sila – ‘yan ang buod ng mensahe ni Hugpong ng Pagbabago founder Sara Duterte sa hidwaan nina parehong senatorial candidate JV Ejercito at Jinggoy Estrada.

Parehong nasa ilalim ng Hugpong ang dalawang magkapatid, na mas lalong lumama ang alitan ng iwan ni Ejercito ang partido ng ama na Puwersa ng Masang Pilipino dahil hindi magandang tingnan kung magkasama silang magkapatid sa iisang party.

“Dalawang magkapatid pero isa lang andito. Pag andito yung isa, wala ‘yung isa dahil nag-aaway sila,” pakli ni Sara.

“So tulungan natin sila. Tulungan natin sila na magkabati. Wag niyo kalimutan na magkapatid sila,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?