72

Feb 27, 2021 @ 19:52
By

Magbabalut kinatay ng kabaro sa Boracay

Patay ang isang tindero ng balut matapos pagtatagain ng kapwa niya balut vendor sa Barangay Yapak, Boracay Island, Biyernes ng gabi.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng iringan ang biktimang si Janito Descalzo, 56, at suspek na si Romeo Tibangin dahil sa presyuhan ng panindang balut sa Boracay.

Habang nagbabantay ng kanyang paninda ang biktima at nakatalikod ay bigla itong sinugod at pinagtataga ng suspek.

Sa pagresponde ang mga tauhan ng Boracay Fire and Rescue Volunteers Incorporated at Malay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ay nahuli ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?