12

Dec 27, 2020 @ 13:11
By

Magat, Angat Dam nagpakawala ng tubig; maaaring magdulot ng baha

NAGPAKAWALA ng tubig ang Magat at Angat Dam kasabay ng pagbuhos ng ulan sa Luzon buhat ng dalawang Low Pressure Area.

Nagbabala naman ang PAGASA na maaaring magdulot ito ng pagbaha.

Ayon sa kanila, binuksan ang isang gate ng Magat, ngayong als-9 ng umaga.

Dagdag nila, maaari itong makaapekto sa bayan ng Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian at Gamu.

Nakataas na rin sa ‘above alert level’ ang Cagayan River na maaaring magdulot ng flash floods dahil sa pagkaipon ng tubig.

“The whole stretch of the Cagayan River including major tributaries is likely to rise in the next 12 hours,” pahayag ng PAGASA.

Nag-abiso na rin ang operator ng Angat Dam sa posibleng baha dala ng rainfall.

Ayon sa ulat, maaaring hindi maging tropical depression ang dalawang LPA ngunit magdadala pa rin ito ng ulan sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: