38

Dec 26, 2017 @ 16:58
By

Magarbong Christmas party ng PCSO, kakalkalin ng Kamara

Hinimok ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang Kamara na manghimasok sa mga kontrobersiyang bumabalot ngayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kabilang dito ang magarbong Christmas party hanggang sa mga iregularidad at umano’y corruption sa operasyon ng small town lottery.

Gayundin ang sinasabing paglalaan lamang ng P2.2B para sa charity funds mula sa P18 billion na kita nito.

“These issues are certainly not minor and should all instead be investigated,” ani Zarate.

Ayon kay Zarate, habang nagbabangayan ang mga opisyal ng PCSO, nagdurusa naman ang mahihirap na dapat nilang pinagsisilbihan.

Ipinunto ng kongresista na nakasaad sa PCSO Charter na 30% ng kita nito ang dapat ilaan sa charity funds kaya kung ang kinita ay P18 billion, dapat ay P5.4 billion ang mapunta sa kawang-gawa.

“Now where did the money go? The PCSO’s mandate is supposed to be for charity, but, it appears that, then and now, it is just being used as a milking cow of its officials,” sabi ni Zarate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?