35
sherwin-gatchalian
Dec 22, 2017 @ 16:44
By

Magarbong Christmas parties, ipagbawal na – Gatchalian

Hinimok ni Sen. Sherwin Gatchalian si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal na ang maluluhong Christmas parties sa mga ahensiya ng gobyerno.

Idiniin ng senador na hindi na dapat masundan ang magarbong Christmas party katulad ng sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ginanap sa 5-star na Shangri-la Hotel at ginastusan ng P6 milyon.

Umaasa si Gatchalian na pakikinggan ito ng Pangulo na naghahangad na maging matipid ang mga taga-gobyerno kaya ipinatigil ang pagbyahe sa abroad liban sa mga diplomat.

“The ‘starvation diet’ on foreign trips should be extended to lavish Christmas parties and unnecessary expenses. I join the President in creating a culture of accountability and prudence in managing public funds,” sabi ni Gatchalian.

Aniya, ehemplo ang mga taga-PCSO ng mga taga-gobyerno na walang malasakit sa mga dapat ay binibigyan nia ng tulong.

“The recent lavish PCSO Christmas party is a prime example of insensitive public officials spending public funds on exorbitant parties without regard to the plight of their poor constituents,” dagdag ng senador. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?