919

Feb 27, 2020 @ 16:16
By

Magandang reporter hinalikan ng manyak habang naka-live

Isang lalaki ang biglang umentra habang naka-live si Spanish reporter Raquel Guillan at bigla-biglang hinalikan ito.

Nagre-report si Guillan para sa TV channel na ‘Radio Television Canarias’ tungkol sa isang sand storm na tumama sa isla ng Lanzarote.

Dito na biglang sumulpot ang isang lalaki at hinalikan si Guillan, na inamin naman ng suspek.

Inamin naman ng lalaki ang ginawa, kaya naman pinagbabayad ng abot sa £2,000 (P131,000) dahil sa sexual assault.

Nakilala ang lalaki matapos na nagtangkang tumakas ang lalaki, ngunit biglang nahulog ang kanyang wallet na nakuha ng reporter.

Hinila pa ng suspek ang buhok ni Guillan at tinulak din para makuha ang wallet, ngunit nanatiling matikas ang reporter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?