607

By

Magandang modelo proud sa mabuhok na kili-kili

Hindi kinahiya ng modelong si Emily Rajkowski ang kanyang armpit hair.

Sa kanyang pag-pose sa Harpers Bazaar, ipinakita ng American model at aktres ang kanyang kili-kili na hindi naka-shave.

“Give women the opportunity to be whatever they want and as multifaceted as they can be,” ayon sa caption ng aktres.

“Do your thing ladies, whatever it might be.”

May ibang natuwa sa pagiging body positive ni Emily, ngunit hindi pa rin siya nakatakas sa mga basher.

“Being a feminist doesn’t mean leaving your hygiene behind,” ayon sa isang commenter.

“Now that you got the attention you wanted, please shave, bye,” saad pa ng isa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?