29

By

Magandang exit hangad ng mga alipores ni Ramos

Sharing is caring!

Team Standings

(Commissioner’s Cup)

W L

Rain or Shine 9 1

Alaska 7 3

TNT KaTropa 7 3

Meralco 7 4

San Miguel 5 4

Ginebra 5 5

GlobalPort 5 5

Magnolia 4 5

Phoenix 4 6

Columbian Dyip 4 7

NLEX 2 8

Blackwater 1 9

Mga Laro Sa Hulyo 4: (MOA Arena)

4:30 pm – SMB vs. Blackwater

7 pm – Magnolia vs. NLEX

Kailangang ipanalo ng San Miguel Beer ang huling dalawang laro sa eliminations para makasiguro sa top 6 ng PBA Commissioner’s Cup.

Out na sa kontensiyon ang Blackwater (1-9), karangalan na lang ang nakataya para tapusin ng maganda ang midseason conference.

Magtatagpo ang dalawa sa first game sa MOA Arena, bago ang salpukan ng Magnolia at NLEX sa second game.

Nasa no. 5 ang SMB, makakasiguro sa top 6 kapag tinalo ang Magnolia sa pagtatapos ng elimination round sa July 7. Nakuwenta na ni coach Leo Austria ang kartada ng Beermen.

“If we win, puwede kaming 5 or 6, depende sa results ng ibang game,” anang coach. “Worst scenario, we lose two and posibleng bagsak kami sa ties for the lower two. Mahirap ‘yun, may tsamba doon.”

May handicap na win-twice ang Nos. 8 at 7 kontra Nos. 1 at 2. Best-of-three ang 3 vs. 6 at 4 vs. 5.

Naghihintay na ng bakasyon ang Elite, pero ipipilit ni coach Bong Ramos na maglarong parang humahabol sa playoffs ang kanyang team.

Napagalitan pa ni Ramos ang kanyang players na pakiramdam daw ay parang gusto nang magbakasyon.

Nakipagpukpukan ang Blackwater bago tumukod sa Rain or Shine 104-94 noong June 8, pero parang wala nang gana kontra Meralco noong June 15 at natambakan 102-75.

“Nagalit ako. Sabi ko sa kanila, ‘Inalagaan nating character, dini-develop natin, na akala ko andiyan na, tapos bigla n’yo akong binitawan. Parang bigla kayong umayaw,’” lahad ni Ramos.

Nangako raw ang players niya na babawi kontra SMB, bounce-back na kahit hindi manalo kundi mas magandang laro. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?