1,254
Maganda ang track record! VP Leni bumanat sa buwelta ni Digong sa Otso Diretso senatoriables
Mar 4, 2019 @ 18:00
By

Maganda ang track record! VP Leni bumanat sa buwelta ni Digong sa Otso Diretso senatoriables

Ipinagtanggol ni Vice President Leni Robredo ang kanyang mga pambato sa opposition slate na Otso Diretso matapos isa-isahing patamaan ang mga ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Saad ni VP Leni, bawat kandidato ay masusing pinili para makabuo ng pambato sa Senado na may magandang track record.

“Meron itong mga track record na pinanindigan. In fact, ‘yun ang basehan bakit silang 8 ang napili,” ayon sa bise presidente.

Maganda rin umano ang pagpuna ni Digong sa Otso Diretso dahil patunay daw ito na napapansin na ng administrasyon ang kanilang senatorial slate.

“The mere fact na si Presidente na mismo ang pumansin, inisa-isa yung mga kandidato, nagpapatunay na nagpi-pickup yung mga kandidato,” she said.

Iginiit din ni VP Leni na mahalaga matuloy ang debate sa pagitan ng administrasyon at Otso Diretso para masukat kung sino ba ang dapat iboto ng mamamayan.

Ang Otso Diretso ay binubuo nina Romulo Macalintal, Gary Alejano, Erin Tanada, Pilo Hilbay, Mar Roxas, Bam Aquino, Chel Diokno at Samira Gutoc na hindi pinuna ni Duterte dahil babae umano ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?