52

May 10, 2020 @ 9:49
By

Magalong sa DOH: Maging tapat sa COVID situation

Hangad ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na sabihin na ng Department of Health ang umano’y totoong lagay ng coronavirus testing sa bansa, para aniya hindi mangapa ang mga lokal na gobyerno.

Dismayado ang alkalde sa aniya’y mabagal na pag-usad ng “risk-based mass testing program” ng DOH, na dapat sana’y tulay ng bansa sa pagsagupa sa COVID-19.

“I hope that once and for all the DOH will tell us the real situation rather than keep on promising us that we have numerous test kits arriving. Tell us the real score on our testing capacity and capability so that we at the local government will know what to do and plan it out. Do we still have to wait or do we just act on our own,” sambit ni Magalong sa local media, Mayo 5.

Kinailangan aniya nilang maging proactive dahil wala pang tugon ang national agency, at bumili na ng sarili nilang test kits. Sa ngayon, meron aniyang 1,500 sample mula sa Northern Luzon area na naghihintay ng test sa laboratoryo, 350 dito ang mula sa lungsod.

“Baguio has had no new cases for the past days but if you ask me if this is the true situation, I tell you it’s not. We have around 350 waiting for tests and we cannot test them because we don’t have the kits,” ayon pa sa alkalde.

Sa nasa 10.5 milyon aniyang populasyon ng Northern Luzon, .07% pa lang ang nate-test dahil 8,100 test kit pa lang ang kanilang natatanggap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?