25

Jan 28, 2021 @ 15:45
By

Magalong nagulat sa COVID-19 spike sa Baguio

Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na nagulat siya sa biglaang paglobo ng naitalang kaso ng COVID-19 sa Baguio City.

Ito ay matapos maitala ang 121 kaso sa kanilang lugar kahapon na dapat aniya’y 18 lang.

“Nagulat nga kami, bakit umabot ng 121? Eh 20, 18 cases lang kami,” saad niya sa isang panayam ng CNN kanina.

“Ang initial na report is 20 and then vina-validate ‘yan, tapos bumaba ng 18,” saad pa niya.

Sambit ni Magalong, transparent ang kanilang lokal na pamahalaan at kaya nilang patunayan na 18 kaso lang ang naitala kahapon.

“I was really surprised. We’re very transparent, we have the figures to show na talagang nasa 18 lang na cases kami kahapon,” giit niya.

Kaugnay ito sa inilabas na ulat ng Department of Health kahapon na Baguio at Cebu City ang nangunguna sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Tiniyak naman ng alkalde na mas lalong maghihigpit ang mga awtoridad sa kanilang lugar bunsod ng banta ng bagong COVID-19 variant

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?