256

Oct 2, 2019 @ 15:54
By

Magalong mas credible kay Albayalde – Gordon

Mas nagsasabi diumano ng totoo si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kesa kay Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde, ayon kay Senador Richard Gordon.

“Magalong was telling the truth,” pahayag ni Gordon nang tanungin ng mga reporter kung sino sa dalawa ang mas nagsasabi ng katotohanan tungkol sa anti-drug operation ng mga tauhan ni Albayalde sa Mexico, Pampanga noong 2013.

Sa pagdinig sa Senado noong Martes, sinabi ni Magalong, dating chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na imposibleng walang alam si Albayalde kaugnay ng “agaw bato” scheme ng kanyang mga dating tauhan kung saan ni-recycle umano nito ang nakumpiska nilang droga.

Sinang-ayunan naman ni Gordon ang pahayag ni Magalong.

“After operation report, obviously maraming makakalusot. Hindi niya pinakialaman, ang pinakialaman niya ‘yung isasalba ‘yung tao niya na hindi naman kailangan isalba na obviously, incompetent,” sabi ni Gordon.

“Tapos na-promote. Lahat ‘yan indicative na inaalagaan. Paano kung hindi mo inaalagaan, sisigaw ba?” sambit pa nito.

Dismayado naman si Gordon sa ginawang pagtawag ni Albayalde kay Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino, dating Central Luzon chief of police, kung saan hiniling nitong huwag ipatupad ang dismissal order laban sa 13 dati niyang tauhan na kinasuhan ng grave misconduct.

“In the middle of investigation na all your people tatanggalin, tatawag ka, masama ‘yun,” sabi ni Gordon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?