30

Jan 27, 2021 @ 19:07
By

Magalong ikokonsidera naitulong ni Tim Yap sa Baguio

Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ikokonsidera niya ang mga naging kontribusyon sa lungsod ng social media personality na si Tim Yap.

Ani Magalong sa panayam sa Teleradyo, bagama’t nakitaan niya ng mga paglabag sa quarantine protocol ang party ni Yap lalo na ang hindi pagsusuot ng face mask, sinabihan aniya niya ang huli na huwag mag-alala sa imbestigasyon.

“Nag-usap na ho kami kahapon at binanggit ko sa kanya na I understand what happened. Sabi ko sa kanya don’t you worry about it, ‘yung tulong mo na ginawa sa Baguio, promoting, he’s saying good words about Baguio, we’re considering all of these… Nahihiya nga sila,” aniya.

Sinabi rin niya na naiintindihan niya kung bakit hindi nakasunod sa COVID-19 protocols ang mga naroroon sa party kabilang ang asawa niya.

“Meron pa rin, even my wife violated it kasi nagtanggal nga ‘yan because may picture taking… Siguro sa excitement, nagtatanggal ng mask picture, picture,” paliwanag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?