32

Feb 8, 2021 @ 19:39
By

Magalong babush na bilang tracing czar ‘pag nakahanap na gobyerno ng kapalit

Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na mananatili siyang contact tracing czar ng bansa hangga’t hindi pa nakakahanap ang gobyerno ng papalit sa kanya.

“Tuloy-tuloy pa din naman ang trabaho ko because I was asked to hold over the position last week. I met with Secretary Vince Dizon and talked to Secretary Charlie Galvez over the phone at ang napag-usapan namin is to hold over while they are looking for a replacement,” anang alkalde.

Kaugnay ito sa kanyang “irrevocable” resignation matapos masangkot sa ‘maskless” party ni Tim Yap sa Baguio City noong nakaraang buwan.

Aniya, walang makakapigil sa kanya sa pagbibitiw sa naturang posisyon dahil kailangan niyang managot sa kanyang violation.

“One of the highlights of public service is good governance. Tingnan natin yung accountability ng isang ranking official na dapat siya mismo mag-lead ng pagpapatupad ng tama,” sambit niya sa isang pahayag.

“During that particular moment, mukhang may kakulangan ako so it’s all about accountability.”

Dahil dito, pinagmulta ng lokal na pamahlaan ng Baguio ang mga dumalo sa party ng P1,500 kada tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?