79

By ,

Magaling manungkit ng NBA star: Bucks GM pinapirma ng bagong kontrata

Pumirma ng tatlong taong contract extension si Milwaukee Bucks general manager Jon Horst sa tropa, ayon sa sources ng ESPN.

Inanunsiyo ng Bucks ang nasabing deal nitong Biyernes (Sabado sa Pilipinas) at ito ay sinabing isang “multiyear extension”.

Si Horst ang isa sa mga frontrunner ng NBA Executive of the Year kasama sina Tim Connelly ng Denver, Lawrence Frank ng Clippers at Masai Ujiri ng Toronto.

“I’m thankful to our ownership group for their continued trust and confidence in me,” sabi ni Horst.

“Wes [Edens], Marc [Lasry] and Jamie [Dinan] have been resolute in their commitment to building a championship-caliber team, providing the necessary tools and resources, and I look forward to continuing to execute their vision.”

Bago matapos ang season ng Bucks sa NBA kinausap na aniya ng mga may-ari ng Milwaukee si Horst para pag-usapan ang nasabing deal.

“Jon’s strong leadership and savvy decision-making ability have been instrumental as we continue to build the Bucks into a championship-caliber organization,” sabi ng Bucks sa isang pahayag.

Sa unang dalawang taon ni Horst bilang general manager ay naging malaking impact nito sa pagsungkit nito sa mga NBA star na sina Giannis Antetokounmpo at Khris Middleton, na nagkarga sa tropa sa Eastern Conference Finals.

“I want to give a big thank you to our terrific players for their outstanding efforts,” wika ni Horst.

“Giannis, Khris [Middleton], Brook [Lopez], Malcolm [Brogdon] and Eric [Bledsoe] all had incredible seasons and our ‘Bench Mob’ was fantastic all season long.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?