10,022
Magaling at matino: Vice Ganda iboboto si Diokno
May 9, 2019 @ 21:00

Magaling at matino: Vice Ganda iboboto si Diokno

Todo suporta ng Showtime host na si Vice Ganda sa kampanya para sa Senado ng “Boses ng Katarungan” na si Chel Diokno.

“Matalino, magaling at MATINO si CHEL DIOKNO. Iboboto ko siya para sa lahat ng Madlang People na naghahangad ng bansang may hustisya,” sabi ni Vice sa kanyang post sa Twitter nitong Huwebes.

“Sana maisama niyo rin siya sa iboboto niyong 12,” apela pa ni Vice sa kanyang Twitter follower.

Bukod sa pangunguna sa mga kabataan sa mock elections sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa, at sa mga batang botante naman sa social media dahil sa kaniyang mga makataong pananaw sa mga isyu sa bansa, dagsa rin ang suporta ng mga aktor at celebrity para kay Diokno ngayong papalapit ang eleksyon.

Ilan lang sa mga “CHELebrity” na sumuporta o nag-endorso kay Diokno sina Kris Aquino, Vilma Santos-Recto, Dingdong Dantes, Enchong Dee, Bianca Gonzalez, Jaime Fabregas, Janine Gutierrez, Pepe Herrera, Chito Miranda, Ebe Dancel, Bullet Dumas, at Johnoy Danao ng 3D, Bayang Barrios, Noel Cabangon, Cookie Chua, Medwin Marfil ng True Faith, Bituin Escalante, at Buddy Zabala.

Ayon kay Diokno, aayusin niya ang sistema ng hustisya sa bansa para, “mayaman man o mahirap, pag may sala, may parusa.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?