128

By

Magagaya kay So? Lea Salonga ‘di na magugulat kung lumipat ng bansa ang top PH karateka

Pinag-usapan sa local sports scene ang hindi pagkakasama kay James delos Santos sa slot para sa national karateka team ng Pilipinas na isasalang sa 2019 Southeast Asian Games.

Sa Facebook post ni delos Santos, sinabi nito na hindi siya isinama sa Men’s Senior Individual Kata event, na nakapagtataka dahil hindi naman umano mga kata coach ang nag-deliberate kundi mga kumite mentor.

Isa pa sa ikinainis ni delos Santos ay nang sabihan siya na bumaba ang kanyang performance sa pagte-training sa ilalim ng mga Japanese sensei, at inabisuhan siya na huwag nang bumalik sa naturang bansa.

“The Foreign Kumite coach and local Kata coaches had the nerve to tell me, that my performance went down, and told me not to go back to my sensei in Japan. Who are they to criticize my Japanese sensei? My sensei in Japan is well-respected and has produced champions and currently has players in the Japan National Team. What [has] the Philippine National Team Kata coaches produced? Who are their champions?” giit na pahayag ng karateka.

At nang ilabas ang resulta, hindi kasama ang pangalan ni delos Santos sa lineup para sa SEAG. Sinubukan niya umano itong ilapit sa Philippine Sports Commission ngunit bigo sa positibong tugon dahil wala umano silang magagawa sa desisyon ng mga national sports association.

Dahil sa nasabing insidente, nanghinayang ang world renowned singer na si Lea Salonga at sinabing hindi na magugulat kung lumipat ng ibang bansa si Delos Santos at iyon ang irepresenta, katulad ng nangyari kay woodpusher Wesley So na Amerika na ang binabanderang bansa.

“Won’t be surprised if James decides to represent another country. Sigh,” ayon kay Salonga

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?