abante-tnt-vismin-stamp
By

Magagandang lugar sa PH, ilalagay sa postage stamp

Sharing is caring!

Bilang bahagi ng lalo pang pagpapalakas sa turismo, nais ng mga kongresista na mailagay sa stamps ang tourist attractions at destinations sa Pilipinas.

Bago ang session break, inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill 7510, na naglalayong obligahin ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) na mag-imprenta ng mga selyo na nagpapakita ng magagandang lugar sa bansa.

Ang “Philippine Tourism Stamps Act” ay pangunahing iniakda ni Parañaque Rep. Eric Olivarez.

Sa ilalim nito, inaatasan ang PHLPost katulong ang Department of Tourism (DOT) at ang Tourism Promotion Board (TPB) na tukuyin ang tourist attractions at destinations na ilalagay sa postage stamps.

Tutulong din ang DOT at TPB sa PHLPost sa paghahanda ng promotional materials na idi-display sa strategic places sa Pilipinas at maging sa ibang mga bansa bilang bahagi ng promotion drive para makilala ang bansa bilang world-class tourism destination.

Naniniwala si Olivarez na para mapabilis ang tourism promotion gamit ang campaign slogan na “It’s More Fun in the Philippines”, kailangang malaman ng mga dayuhan ang tungkol sa magagandang tourist spots sa bansa.

“This we can do by means of postage stamps affixed on outgoing mail especially to foreign destinations. These postage stamps will depict the tourist areas in the country and advertise the beautiful spots to these foreign potential tourists without extra cost for the government,” sabi ni Olivarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?