3,611

Oct 6, 2021 @ 17:59
By

Magagandang dilag ni Sunshine pinag-iingat kay Aljur

Tulad ni Sunshine Cruz, magaganda at seksi rin ang tatlong anak niya.

Sa latest Instagram post ng aktres, makikitang parang kapatid o barkada lang niya ang mga anak na babae sa action star na si Cesar Montano.

“Always grateful for these girls. Our crochet tops made with love by yours truly,” caption ni Sunshine.

Maraming netizen ang namangha sa mga anak ni Sunshine habang ang iba ay pinag-iingat ang mga ito kay Aljur Abrenica, na tirador umano ng mga anak ng action star.

JM Meneses: “Anak to ni Cesar Montano di ba? Nako! Mag-ingat kayo mga bes! May tirador ng anak ng action star now, iisa-isahin kayo!”

Mai Tumilap: “Aljur.”

Jeff Libaton: “Alam na this aljur na yn hahaha.”

Jha Jha: “Aljur abrenica joined the group. Tirador ng anak ng action star ingat mga besh.”

Matatandaang hiwalay na si Aljur sa anak ni Robin Padilla na si Kylie.

Nito namang Miyerkoles ay tahasang inamin ni AJ Raval na nililigawan siya ni Aljur.

Si AJ ay anak ng isa ring action star na si Jeric Raval.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?