152

Jul 17, 2019 @ 19:41
By

Magagalit si Inday Sara! Sexist joke bawal sa bahay ng pamilya Duterte

Binunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya nagbibiro patungkol sa mga babae kapag nasa bahay siya sa Davao City dahil magagalit sa kanya ang anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio.

“Magagalit si Sara. She doesn’t want that. In the house, I can’t say jokes about women. Nagagalit ‘yang anak ko si Sara,” saad ng Pangulo.

Kilala ang Pangulo sa mga joke nito sa mga kababaihan kabilang na ang rape jokes at misogynist remarks.

Dinepensahan ito ng Palasyo at sinabing hindi “bastos” o walang respeto sa kababaihan si Pangulong Duterte dahil layon lang nito na magpatawa at hindi para maka-offend.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?