7

Jan 23, 2021 @ 10:23
By

Mag-utol tulak ng ilegal na droga, timbog

Sa kulungan ang bagsak ng isang mag-utol matapos mahulihan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Bgy. Gabuyan, Kapalong, Davao del Norte noong Huwebes.

Kinilala ng kapulisan ang mga nadakip na sina Samuel at Wilson Madayag.

Nasamsam sa dalawa ang mga pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?