74

Feb 9, 2019 @ 13:31
By

Mag-utol timbog sa buy-bust sa Lucena

Nalambat ang dalawang magkapatid sa isinagawang anti-drug operation ng mga pulis sa Lucena City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na si Danilo Gomez at bunso niyang kapatid na si Dante.

Ayon sa ulat, unang nadakma si Danilo nang bentahan ng shabu ang isang undercover police sa Barangay Barra dakong alas-9:55 ng gabi.

Nahuli naman si Dante na may tangan na drug paraphernalia at bumabatak.

Narekober sa operasyon ang dalawang sachet na naglalaman ng kulang isang gramo ng shabu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?