26
fires

Mag-utol patay sa sunog sa Cebu

Sharing is caring!

Natagpuang wala nang buhay ang magkapatid na menor edad sa loob ng kanilang nasunog na bahay sa Sitio Kawit, Barangay Ermita, Cebu City.

Ayon sa ulat, nasa 90 bahay ang naabo sa sunog na nagsimula sa bahay ng isang Eda Alunod dahil umano sa sumabog na gas stove dakong alas-5:46 ng umaga ngayong Lunes (Mayo 7) na inakyat sa Task Force Bravo.

Unang naiulat na nawawala ang mga biktimang isang 9 na taong gulang na babae at isang 2 taong gulang na lalaki.

Idineklarang kontrolado na ang sunog alas-8:04 na ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?